Sa loob ng FX. Papunta ako ng office. Nakaupo sa likod ng FX.
Ako: Ma, bayad po.
Dedma and mga tao sa harapan at di inaabot ang bayad ko. Baka naman di nila ako narinig.
Ako: Ma, bayad po.
Hindi sila bingi. Saksakan lang talaga sila ng tamad para mag-abot ng bayad.
Ako: Maaa, bayad pooo, puwedeng iabot nyo sa mama ang bayad?
Kelangan lang pala magpaka-asshole para matauhan sila na hindi sila nasa taxi. Nasa FX sila at responsibilidad nila na mag-abot ng bayad. At dahil nainis na ako, kinilatis ko ang mga babaeng tamad na nakaupo sa harapan. Jologs na top at flaming red ang mga buhok. Siguro mga japayuki.
Sa gitna ng paguusap ng mga babae at ng driver narinig ko ang isa na nagsabi ng...
Babae: ...mahirap na nga bumalik ng Japan. Magpapalit nga ako ng pangalan para makabalik dun...
Aba....
Hoy babae ka! Sana mahuli ka sa Japan at makulong ng matagal dahil mali yang ginagawa mo at hindi ka marunong mag-abot ng bayad!!!
Thursday, June 15, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

2 comments:
har har har har!!
Omigosh! Would you believe tama pla ang initial assessment mo na Japaners ung mga un? hahahaha
Well, it's their fault, having worked in Japan doesn't entitle them to become fashion victims noh!
Earth Alert!!!!!!!
I'm impressed with your site, very nice graphics!
»
Post a Comment